halik

HALIK

Sa una’y hangin lamang itong dumadampi sa aking mga labi,
Nang tumagal ay buwaya nang gumagalugad sa aking bawat nakakubli;
Patay-gutom nitong nilalamon ang aking bawat pagkatao,
Kinakain ako nang buo hangang sa anino na lamang ako.

Sa bawat kagat at sisid nito’y nagigising ang libog ko,
Pinapaso ang bawat natitigang ko nang pagkatao;
Kumakatok ito sa puso ko pero iba naman talaga ang gustong buksan,
Pumapasyal pa ito kung saan higit na madarama ang kaligayahan.

Muntik na sanang sa ibaba nabuksan ang puso ko,
Dahil sa anino na lang akong sumusunod sa pamamasyal nito;
Puso naman nito’y hinanap ko, wala palang pintong kakatukin;
Puso ko naman ang kinapa ko, ito pala’y sa ibaba binuksan ng init.

Habang namumukadkad, puso ko’y di init ang pumuno,
Bangkay ang katotohanang sa aking pagkatao’y nagmulto;
Hindi puso ang lumalamon sa aking natutunaw nang pagkatao,
Kung hindi ngiping pipilas sa nakatiwangwang ko nang puso.

About cenizamarcial

I am a medical representative by profession, and a writer by passion. I also run an online fashion retailing shop. My entire being roots from the unconditional love and perseverance of my family.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s