minsan may isang tagihawat

MINSAN MAY ISANG TAGIHAWAT

Heto na naman siya at patuloy na lumalaki ang ulo,
Nagbabadyang sasabog na at bubukangkang;
Nakasisindak ang tikas niya sa pagkakatindig,
Subalit agad na mabubutas kung ito’y masasaling.

Umaabot na sa ulap ang bundok na nanunulis,
Lumilinga sa paligid na tila naghahanap ng kawangis;
Sumabog na nga ito at naghasik pa ng lagim,
Sinuri ng mga mata at kinutya ng dila ang dito’y natanim.

Heto na siya at sa salamin naman iiling-iling,
Pawang sa patag na lamang ibinaling ang paningin;
Tila naubusan na ng lakas sa sobrang pagkakapisa,
Naghuhumiyaw, at babalik pa ang isinusumpa.

Ikinukubli na ng mga kabaluktutan natin ngayon,
Ang mga tahasang natatanggap ng mga mata noon;
Datapwat nang isang araw, kagandaha’y nagkaroon na ng lamat,
Dahil minsan, minsan lang, may isang panirang tagihawat!

About cenizamarcial

I am a medical representative by profession, and a writer by passion. I also run an online fashion retailing shop. My entire being roots from the unconditional love and perseverance of my family.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s