panulat

PANULAT

Diyos akong nagpapaikot ng aking mundo,
Sa aki’y yumuyuko ang lahat ng mga tao;
Sa mga mata ko’y walang nakaliligtas,
Sapagkat ang lahat ay aking namamalas.

Tadhana akong nagtatalaga ng kapalaran,
Ang bawat kibot ay aking nalalaman;
Ako ang pumipili kung saan na patutungo,
Ang lahat ng simulain ng bawat tao.

Ngipin ng daga kung aking ratratin,
Ang baluktot na paniniwalang parang gusot na damit;
Di ko man ito tuluyang mawasak at maituwid,
May mga butas naming agad na mapapansin.

Di man ako naririnig dahil wala akong boses,
Umaalingawngaw naman ang bawat paghalik ko sa papel;
Di man ako katakutan kapag ako’y nakikita,
Mga pasaring ko nama’y espadang hihiwa sa gunita.

About cenizamarcial

I am a medical representative by profession, and a writer by passion. I also run an online fashion retailing shop. My entire being roots from the unconditional love and perseverance of my family.
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s