puke, sumabay ka sa pagpapaikot ng mundo!

PUKE, SUMABAY KA SA PAGPAPAIKOT NG MUNDO!

Bakit kaya pinaiikot ng tite ang mundo,
Gayong sumagid lang ang hangin ay tumba na agad ito?
Bakit kaya tite ang nagiging sukatan ng kagitingan,
Wala naman itong alam kung hindi ang pumasok na lang kung saan?

Bakit kahit na hindi isang tite, tumitigas din ako?
Di kaya naman kaya ko rin namang paikutin ang mundo?
Bakit kaya kong labasan at ako din nama’y napapasukan?
Di kaya naman ang kagitinga’y pwedeng ako naman ang batayan?

Pwede kayang dalawang sabay ang nagpapainog ng mundo?
Iyong may bubukang lagusan para sa tumitirik na papasok?
Di naman kaya kapag nagkaganito, sulok ng mundo’y mag-apat na?
Na ang pasukan ay pwedeng ipilit na ipasok at ang papasok ay pwede na ding pasukan?

Kung ang may puke nga ay sinsabing hinugot lang sa may tite,
Bakit kaya tite naman ngayon ang hinuhugot mula sa puke?
Kapwa lamang naman ding nakadarama ng nagpupumiglas na libog,
Bakit di pwedeng habang nakasuksok, ang mundo’y sabay na mapainog?

About cenizamarcial

I am a medical representative by profession, and a writer by passion. I also run an online fashion retailing shop. My entire being roots from the unconditional love and perseverance of my family.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s